^

Metro

Pagkatapos ang taas pasahe presyo ng petrolyo, nakaamba namang tumaas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos magtaas ng pasahe sa jeep, panibagong pasanin na naman  sa publiko lalo na  sa mga motorista dahil sa napi­pintong pagtataas naman ng produktong petrolyo na ipatutupad ng mga oil com­panies anumang araw ng linggong ito.

Nabatid na posibleng dagdagan ng P0.30 hanggang P0.50 sa presyo kada litro ng gasolina at krudo

Inaasahang tataas naman ng P0.30 hanggang P0.70 kada litro sa presyo ng kerosene.

Sa pahayag nina Petron Strategic Communications Manager Raffy Le­desma;  Toby Nebrida, ng Pilipinas Shell at Iris Reyes, ng Total Philippines, nabatid na ang panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa world market.

Matatandaan na  huling nagbawas sa presyo ng kanilang  produkto ang mga oil company  noong Hunyo 9, na ito ay nasa  P0.90 kada litro  para sa  gasolina, P0.70 sa Kerosene habang P1.10 naman sa krudo kada litro.

 

HUNYO

INAASAHANG

IRIS REYES

MATAPOS

MATATANDAAN

PETRON STRATEGIC COMMUNICATIONS MANAGER RAFFY LE

PILIPINAS SHELL

TOBY NEBRIDA

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with