^

Metro

Pinag-aagawang lupa ng Caloocan, Malabon reresolbahin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang 50 taong pag-aagawan, nagkasundo  ang pamahalaang lungsod ng Caloocan at Malabon na magkatuwang na i-develop ang 80 ektaryang lupaing pinagtata­lunan upang maging sentro ng ekonomiya sa Hilagang panig ng Kamaynilaan.

Nakatakdang pirmahan bukas nina Ca­loocan City Mayor Oscar Malapitan at Malabon City Mayor Antolin Oreta III ang isang “memorandum of understanding” sa paglikha ng isang “joint venture company” para sa pagde-develop sa naturang lupain na nasa Caloocan Barangay Libis Baesa at Malabon Barangay Potrero.

Nabatid na nasa 50 taon na ang agawan sa pagma­may-ari sa naturang lupain at mga residente ng naturang mga barangay ang labis na naa­apektuhan sa sigalot. 

Kasalukuyang nasa korte pa rin ang usapin na nag-umpisa nang maging bahagi ng teritoryo ng Malabon ang bahagi ng Caloocan nang maipasa bilang batas ang Republic Act 9019 (Malabon Cityhood).

Habang nasa korte ang usapin, nagkasundo sina Ma­lapitan at Oreta na paunlarin ang lugar na lalagyan umano ng isang “integrated bus terminal, economic at industrial zones, business at financial centers”, mga paaralan at iba pa.

Sinabi ni Malapitan na pagkakataon ngayon na ma­ging oportunidad ang kinakaharap na krisis upang mapaunlad ang dalawang lungsod at hindi mapag-iwanan ng mga mas batang lungsod sa Metro Manila.

CALOOCAN

CALOOCAN BARANGAY LIBIS BAESA

CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

MALABON

MALABON BARANGAY POTRERO

MALABON CITY MAYOR ANTOLIN ORETA

MALABON CITYHOOD

METRO MANILA

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with