^

Metro

Bebot patay sa pamamaril sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na ba­bae­ ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek na riding-in-tandem sa may Republic Ave­nue, Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon ng umaga.

Ang biktima na na­kila­lang isang Agnes Adrincula na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na dinala pa sa FEU Hospital pero idineklara ring dead-on-arrival.

 Ayon sa pulisya, sakay ang mga suspek sa isang Honda Wave na motorsiklo na hindi naplakahan at ma­tapos ang pamamaril ay agad na tumakas. 

Sinasabing inabangan pa ang biktima ng  mga suspek  sa di kalayuan sa naturang lugar bago naganap ang krimen.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo sa naganap na pamamaril sa biktima.

 

vuukle comment

AGNES ADRINCULA

AYON

BRGY

HOLY SPIRIT

HONDA WAVE

ISANG

QUEZON CITY

REPUBLIC AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with