2 dayuhang madre, biniktima ng akyat-bahay
MANILA, Philippines - Nalimas ang mahalagang kagamitan at pera ng dalaÂwang dayuhang madre mataÂpos na pasukin ng magnanaÂkaw ang kanilang tinutuluyan sa lungsod Quezon, kamakalawa.
Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang mga biktima ay kinilalang sina Lissy Sebastian, 52, tubong India; at Josephine Kane, 60, tubong Great Britain.
Sa imbestigasyon ni PO2 Marlon dela Vega, ang dalawang biktima ay kapwa madre sa Religions of the Notre Dame of the Missions at si Kane ay bisita lamang ni Sebastian na kadarating noong June 12, 2014 ng umaga.
Sila ay pansamantalang nanunuluyan sa ikalawang palaÂpag ng Mabolo St., Brgy. MaÂriana, Quezon City kung saan naganap ang pagnanakaw, sa pagitan ng alas-9 hanggang alas-9:30 ng gabi.
Bago ito, ang dalawang bikÂtima ay nakisama muna sa mga Pinay na madre na nasa unang palapag ng naturang bahay para sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ng bansa.
Nang bumalik si Kane sa kanyang kuwarto ay saka bumulaga sa kanila ang magulong gamit at ang air-condition unit ay nasa ibaba na ng sahig, at nawawala na ang gamit ni Kane.
Mula dito ay nabatid na gaÂnoon din ang sitwasyon sa kuwarto ni Sebastian na nasa katabing kuwarto lamang ni Kane at nawawala rin ang kaÂgamitan nito.
Natangay kay Sebastian ang isang Macbook Air Apple; Indian passport; driver’s license; immigration card; 200 euros; at P4,000; habang kay Kane ay isang HP Pro book Laptop; dalawang wallet na naglalaman ng United Kingdom passport; International at New Zealand Driver’s license; at iba’t-ibang card; at assorted foreign currencies,
Agad din nilang inireport ang insidente sa pulisya.
- Latest