^

Metro

Taxi driver hinoldap na, dinedo pa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang taxi driver na hinihinalang biktima ng pangho­holdap ang natagpuang patay na may mga tama ng bala sa katawan sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang biktima na si Hilario Mata, residente ng Sitio Cabuyao, Brgy Sauyo.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay nadiskubre na lamang duguan at walang buhay habang nakaupo sa driver’s seat ng pinapasada nitong Reymiles Taxi (TYM-478) habang nakahinto sa may kahabaan ng Quirino Highway, Gem 5 St., Brgy. Baesa, alas-7:30 ng umaga.

Bago ito, isang residente sa lugar ang umano’y nakapuna sa taxi ng biktima na matagal nang nakaparada sa nasabing lugar, dahilan para tawagan nito ang kompanya ng nasabing taxi.

Ayon kay Ronnie Sanchez, techinician ng kompanya, nang matanggap niya ang tawag ng concerned citizen, agad siyang pinapunta ng may-ari sa nasabing lugar, kung saan naabutan niya ang walang buhay na katawan ng biktima.

Dagdag ni Sanchez, kalalabas lamang umano ng biktima sa taxi nang maganap ang insidente.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa tagiliran at sa ulo na siyang agad na ikinamatay nito. Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

BRGY SAUYO

HILARIO MATA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

QUIRINO HIGHWAY

REYMILES TAXI

RONNIE SANCHEZ

SITIO CABUYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with