Lider ng ‘Lapina drug group’, arestado
MANILA, Philippines - Natimbog ng mga opeÂratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang lider umano ng Lapina Drug Group na nago-operate sa Nueva Ecija matapos ang paglusob sa kanyang lungga sa Antipolo, Rizal, iniulat kahapon.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Gerald Lapina, 38, itinuring na high-value target drug personality mula sa M. S. Garcia, Cabanatuan City, Nueva Ecija at naninirahan sa Brentwood Subdivision, Brgy. Mambugan, Antipolo, Rizal.
Nadakip ang suspek ng pinagsanib na tropa ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) sa pamumuno ni Director Jeoffrey C. Tacio at PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA-RO NCR) sa pamumuno ni Atty. Jacquelyn L. de Guzman, matapos ang implementasÂyon ng isang search warrant na inisyu ni Honorable Mariano M. dela Cruz, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 22, Manila at Block 1, Lot H, Phase 2, Brentwood Subdivision, Brgy. Mambugan, Antipolo, Rizal, ganap na alas-5 ng hapon.
Narekober mula kay LaÂpina ang anim na piraso ng plastic sachets containing ng shabu na may timbang na 30 gramo at mga drug paraphernalia.
Si Lapina ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 12 (Possession of Equipment and Other Drug Paraphernalia for Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nitong January 12, 2014 dalawa sa mga miyembro ni Lapina ang nadakip ng tropa ng PDEA RO3 na kiÂnilalang sina Rodelio Casin at John Casin, na nagsusuplay sa mga street pushers sa proÂbinsya at munisipalidad sa kanilang lugar.
- Latest