^

Metro

Konektado sa Al Qaeda top financier ng Abu Sayyaf, timbog

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na elemento ng Intelligence Security Group (ISG) ng Phil. Army, Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR)  at Parañaque Police ang isang mataas na lider ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na may ugnayan sa Al Qaeda at Jemaah Islamiyah (JI) terrorist sa isinagawang ope­rasyon sa Parañaque City kahapon ng umaga.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Benjamin Magalong, ang nasakoteng suspect  na si Khair Mundos, 50, isa sa matataas na lider ng Abu Sayyaf at top fi­nancier ng Abu Sayyaf.

Si Mundos, ayon naman kay ISAFP Chief  Major Gen. Eduardo Año ay may patong sa ulong P5.3-M at karag­dagan namang $500,000 mula naman sa pamahalaan ng Estados Unidos.

Bandang alas-9:30 ng umaga nang masakote si Mundos sa kahabaan ng A. Bonifacio St., Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court  (RTC) 12 Judicial Region Branch 17 sa Kidapawan City at walang inirekomendang piyansa kapalit ng kanyang kalayaan.

Matagal na umanong trinabaho ng intelligence operatives si Mundos na iti­nuro ng isang tipster. Si Mundos ay galing pa umano sa Isabela City, Basilan nang magtungo ito sa Metro Manila­.

Magugunita na noong Mayo 2004 ay nasakote na si Mundos sa kasong money laundering na isinampa laban sa teroristang grupo.  Si Mundos umano ang tumatanggap  at namamahala sa pondo ng Abu Sayyaf na nagmumula  sa Al Qaeda at maging sa Jemaah Isla­miyah terrorist na ginagamit sa pambobomba  ng bandidong Abu Sayyaf sa buong Mindanao.

Noong Pebrero 2007 ay nakatakas si Mundos sa provincial jail ng Kidapawan City  kung saan sa ilalim ng pamumuno nito sa inilunsad na serye ng pambobomba ng Abu Sayyaf ay mara­ming mga sundalong Pinoy at maging ang US servicemen ang nasawi sa Mindanao Region.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation sa CIDG-NCR sa Camp Crame si Mundos.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AL QAEDA

BONIFACIO ST.

CAMP CRAME

KIDAPAWAN CITY

MUNDOS

SI MUNDOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with