^

Metro

Police asset, itinumba

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 65-anyos na lolo  ang namatay nang barilin ng mag-amang hinihinalang pusher  sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Diomedes Timoteo, vendor,  ng Rawis,  Tondo, Manila.

Kasalukuyan namang nakakulong ang isang Angelito Ferrer, 33, pintor, na umano’y nagsilbing look-out at alalay ng mga suspek na si Samson Donggon Sr. at anak nitong si Samson Jr., ng naturang lugar.

Sa report ni Det. Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-10:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng CP Garcia at Rawis Sts., Tondo. 

Batay sa salaysay ni Leo­nardo, 17, anak ng biktima,  na naglalakad umano ang kanyang tatay  dahil hinahanap siya nang natiyempuhan ng mga suspek at pagbabarilin ito.

Inamin din ni Leonardo na pinaghihinalaang asset ng pulis ang kanyang ama at ito ang nakikitang motibo kung bakit ito  binaril dahil inakala ng mga suspek na isinusumbong sila sa pagbebenta ng shabu. 

Itinanggi naman ni Ferrer na kasama siya ng mga suspek at siya pa ang nagbuhat sa biktima at isinakay sa motorsiklo.    

Nabatid pa na noong naka­raang taon ay binugbog na ng mga suspek ang biktima at pinagbantaan pa itong pa­patayin.

ANGELITO FERRER

BATAY

DIOMEDES TIMOTEO

GLENZOR VALLEJO

MANILA POLICE DISTRICT

RAWIS STS

SAMSON DONGGON SR.

SAMSON JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with