Negosyante, nagbaril sa sarili
MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon ngayon ang ginagawa ng mga awtoridad hinggil sa umano’y pagbaril sa sarili ng isang negosyante sa kanyang inuupahang bahay sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon.
Bagama’t naisugod pa sa pagamutan, binawian din ng buhay si Peter Cua, 53, ng Kusang Loob St., Sta. Cruz, Manila bunsod ng tama ng bala ng shotgun sa kanyang dibdib.
Sa report ni Det. Crispino Ocampo ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng hapon nang madatnan ang biktima ng kanyang misis na si Mei Yan sa sa ikatlong paÂlapag ng inuupahang bahay.
Ayon kay Mei Yan, alas-9 ng umaga nang iwan niya ang kanyang asawa para mag-report sa pinapasukang paaralan.
Nagulat na lamang siya nang makitang naghihingalo at duguan ang kanyang mister habang nasa tabi ang isang 12-gauge shotgun na hinihinalang ginamit nito sa pagpapakamatay
Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung may naganap na foul play o motibo sa pagpapakamatay ng biktima.
- Latest