^

Metro

Learning methods at pasilidad sa mga paaralan sa QC, tututukan ni VM Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paghuhusayin ng Quezon City government ang learning methods at mga pasi­lidad sa lahat ng public elementary at high schools sa lungsod para higit na maging competitive ang mga mag-aaral dito at matamo ang mataas na marka sa taunang  National Achievement Test (NAT).

Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, nagbigay na ng kahandaan ang mga city councilors  mula sa lahat ng distrito para  maglaan ng suporta sa mga mag-aaral para mapataas ang over-all standing ng mga estudyante sa hanay ng mga school districts sa Metro Manila na kukuha ng NAT.

Anya, ang QC division schools sa ka­salukuyan ay pang-labing-isa sa 16 na  school districts sa National Capital Region (NCR).

“Many of our councilors are willing to give their full support to improve our ranking in the annual NAT conducted by the Department of Education (DepEd),” pahayag pa ni Belmonte.

Ang NAT  ay taunang pagsusulit sa lahat ng grade 6 at fourth year high school students para masuri ang kanilang ka­alaman tungkol sa subjects na English, Mathematics, Science, Filipino at Hekasi.

 

ANYA

AYON

BELMONTE

DEPARTMENT OF EDUCATION

METRO MANILA

NATIONAL ACHIEVEMENT TEST

NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON CITY

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with