^

Metro

‘Tandem’ umiwas sa sita, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang lalaki na hinihinalang sangkot sa mga iligal na gawain habang nakatakas ang isa pang kasamahan matapos na sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo nang tumakas sa mga sumitang pulis, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong illegal possession of deadly­ weapon at firearm sina Avon Panes, 33, ng Llano, Caloocan City at Josephus Adog, 28, ng Diamond Village, Novaliches, Quezon City. Patuloy namang kinikilala ang tumakas nilang kasamahan.

Sa ulat ng pulisya, nagpa­patrulya sa may Galas Street, Brgy. Bignay ang mga pulis dakong alas-12:30 ng madaling araw nang sitahin ang tatlong suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo at pawang mga walang suot na helmet.

Sa halip na huminto ay pinasibad ng mga suspek ang motorsiklo kaya hinabol ang mga ito ng mga pulis.  Nawalan naman ng kontrol sa manibela ang tsuper na si Adog sanhi upang sumem­plang at tuluyang madakip ang mga ito.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang isang patalim at isang paltik na hinihinalang gamit ng mga ito sa panghoholdap.  Hinihinala ring nakaw ang motorsiklong gamit ng mga ito dahil sa walang maipakitang papeles ang mga nadakip na suspek.

 

vuukle comment

ADOG

AVON PANES

CALOOCAN CITY

DIAMOND VILLAGE

GALAS STREET

JOSEPHUS ADOG

QUEZON CITY

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with