^

Metro

Biyuda niratrat sa loob ng bahay, patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 57-anyos na biyuda makaraang pasukin siya sa loob ng kanyang bahay ng isang armadong lalaki at barilin sa Quezon City, kama­kalawa.

Si Dolores Butcho ay inatake ng salarin sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Holy Spirit habang nanood ng telebisyon.

Agad namang tumakas ang gunman kasama ang isa pang kasabwat na nagsilbing look-out lulan ng isang motorsiklo.

Ayon kay PO2 Rhic Pittong, dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa Fort Magsaysay St. sa lungsod.

Nanonood umano ang biktima ng TV kasama ang isang babaeng kapitbahay  nang biglang pumasok ang suspect na armado ng baril.

Sa takot ng kapitbahay na may masamang mang­yari sa kanyang buhay, agad itong nagtatakbo  palabas ng bahay hanggang sa makarinig na lang siya ng dalawang putok ng baril mula sa loob.

Ang biktima ay isinugod ng kanyang kaanak sa General Malvar Hospital, pero idineklara rin itong patay, alas-5:23 ng gabi sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanyang baba at kanang sentido na nag­lagos sa kaliwang sentido.

Narekober din sa lugar ang isang basyo ng ka­libre .45 baril na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

Inaalam pa ang motibo sa naganap na krimen.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

FORT MAGSAYSAY ST.

GENERAL MALVAR HOSPITAL

HOLY SPIRIT

INAALAM

QUEZON CITY

RHIC PITTONG

SI DOLORES BUTCHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with