^

Metro

2 todas sa heat stroke

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunsod marahil ng sobrang init ng panahon dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lungsod ng Pasay kahapon ng madaling araw.

Nabatid na alas-3:30 ng madaling araw ng matagpuan na wala ng buhay sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ang biktimang si Eustaque Micono,  20,   stay-in panadero sa Easyll Bakery,  na matatagpuan sa no.410-B-E Rodriguez St., Zone-17, Brgy. 158 Malibay ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng Pasay City Police, bago ang insidente  alas-12:00 ng ma­da­ling araw nang umakyat sa ikalawang palapag ang bik­tima at ang tatlong kasama nito sa trabaho upang matulog.

Bandang alas-3:30 ng madaling-araw ay unang nagising sina  Mark Joel De Vera, 22; at Romel Diola, 23, upang magbukas na ng kanilang bakery  subalit napansin nila ang biktima na hindi pa ito bumabangon.

Pinuntahan ni De Vera ang biktima sa tinutulugan nitong kama upang gisingin,  subalit hindi na ito gumagalaw at nang kanyang pulsuhan ay wala na itong buhay. Agad naman ipinagbigay-alam ni De Vera sa kanyang mga kasamahan ang insidente.

Samantala isang lalaki na epileptic ang tuluyang hindi na nagising makaraang ma­tagpuan na wala ng buhay sa inuupuang bangko sa loob ng kanilang bahay na nakilalang si Andrei Capinpin, 28,  ng  #29-R Layug  St., Zone 1, Brgy. 2  ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Chris Gabutin,  ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City Police   alas-11:00 ng gabi ng madiskubre  na wala ng buhay ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto.

Ayon sa ama  ng biktima na si Victor Capinpin huli nitong nakitang buhay ang anak nang nilalaro pa ang alagang tuta sa harapan ng kanilang bahay at hindi nagtagal ay pumasok na sa kanilang bahay.

Kinagabihan ay nakalanghap ng kakaibang amoy ang mag-asawa mula sa silid tulugan ng biktima at dito nila nadiskubre na ang kanilang anak ay isa ng bangkay.

Ang mga labi ng mga biktima  ay kapwa dinala sa Rizal Funeral Homes sa Libertad Pasay City upang i-autopsy at alamin ang na­ging kamatayan ng mga ito.

 

ANDREI CAPINPIN

B-E RODRIGUEZ ST.

BRGY

CHRIS GABUTIN

DE VERA

EASYLL BAKERY

EUSTAQUE MICONO

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with