^

Metro

Ginang nahulihan ng P1.5-M shabu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P1.5 milyon ang hala­ga ng shabu na nakuha mula sa isang ginang na unang ina­resto dahil sa kanyang pag-i­ingay sa kanilang lugar sa Quezon City.

Inamin ng suspek na si Jody Daranciang, 30, ng Bgy. Bagong Pag-asa na gumagamit at nag­ta­tago siya ng shabu ma­tapos ang kanyang pakakadakip nitong nakaraang Biyernes ng umaga bunsod ng pag-iingay sa Bgy. Sto. Cristo Quezon City.

Nabatid na natagpuan sa loob ng kanyang bag ang walong piraso ng plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa 670 grams o halagang P1.5 million sa street value­.

Si Daranciang ay nakitang pagala-gala sa kahabaan ng Palawan St. sa Bgy. Sto. Cristo, ganap na alas- 7:30 ng umaga at nagsisigaw ng masasamang salita at naghahamon ng suntukan sa mga nagdaraang re­sidente.

Dahil dito, tinawag na ng mga residente ang nagpapatrulyang mga pulis sa hinala nilang ang ginang ay nasa impluwensya din ng iligal na droga.

Ayon kay Sr. Insp.  Roberto Razon, inireklamo ng ginang ang problema sa kanyang ka­re­lasyon, sanhi para gumawa ito ng ingay.

Agad na rumesponde ang mga otoridad sa lugar at pagka­baba sa kanilang sa­sakyan ay saka nilapitan ang ginang at tinignan ang laman ng bag nito.

Dito nasopresa ang mga pulis nang makita ang walong piraso ng plastic sachets na nag­lalaman ng shabu na nakatago sa loob ng bag.

No bail naman ang  rekomendasyon matapos na kasuhan ng illegal possession of illegal drugs.

Isinailalim din si Daranciang sa drug test.

BAGONG PAG

BGY

CRISTO QUEZON CITY

JODY DARANCIANG

PALAWAN ST.

QUEZON CITY

ROBERTO RAZON

SHY

SI DARANCIANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with