LTFRB pinalagan sa special permit
MANILA, Philippines - Pinalagan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Makati ang itinakdang kondisyon ng Land Transportation Franchising and ReÂgulatory Board (LTFRB) kaugnay sa libreng shuttle service para sa mga nagtatrabaho sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na ang LTFRB ay nagbigay ng special permit para maipagpatuloy ang libreng shuttle service ng Makati City para sa mga pasaherong nahihirapan sa mahabang pila sa Metro Rail Transit (MRT).
Subalit sa pagbibigay ng permit kapalit ang kondisyong obligahin ang mga pasahero na bumili ng single-journey MRT ticket at magprisinta ng Makati-based company ID bago pasakayin sa shuttle bus.
Itinuring ng pamahalaan ng Makati City sa pamamagitan ng legal officer na si Atty. Pio Kenneth Dasal, na hindi makatwiran ang naturang kondisyon at taliwalas ito sa layunin ng libreng sakay.
Kasunod nito ipinababaÂsura ni Dasal ang nasabing kondisyon sa pamamagitan na rin ng inihain nitong apat na pahinang motion for partial reconsideration.
Iginiit ni Dasal sa mosyon nito, na dagdag pahirap lang umano ito sa mga pasahero dahil imbes na makasakay agad sa mga libreng bus, kakailanganin pa nilang puÂmila at bumili ng MRT ticket.
Nagsimula ang libreng sakay sa mga shuttle bus noong Marso 27 para magÂhatid ng mga kababayang apektado ng mahabang pila sa MRT mula North Avenue sa Quezon City patungo sa Ayala Avenue mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga.
- Latest