MMDA officer utas sa Pasig

MANILA, Philippines - Patay ang isang Manila Development Authority traffic enforcer matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang poste sa Pasig City.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol ang hindi pa nakikilalang traffic enforcer habang binabagtas ang kahabaan ng Doña Julia Vargas Avenue dahilan upang bumangga ito sa poste.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang MMDA officer matapos isugod ng mga nakatambay malapit sa lugar ng aksidente.

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng biktima, habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
 

Show comments