^

Metro

‘Rapist’ na teacher, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi natakasan ng 29-anyos na dating guro ang kinakaharap na kasong panggagahasa makaraang arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest habang naglalaro ng basket­ball sa Brgy. Langaray, Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Pormal na iniharap sa korte ang akusadong si Eduardo Cruz, Jr. ng Hipon St., Brgy. Dagat-dagatan sa nasabing lungsod.

Inihain sa suspek ang warrant of arrest na ipina­labas ni Judge Amelia Tria-Infante ng Manila City Regional Trial Court Branch 09 sa kasong panggagahasa na isinampa ng mga ma­gulang ng menor-de-edad nitong estudyante.

Ayon sa ulat, ang suspek ay dating Math teacher sa isang mataas na paaralan sa lungsod ng Maynila kung saan sinasabing niyaya ng suspek ang biktima sa isang inuman at nang malasing ay isinagawa ang maitim na balak.

Nabatid din na sa um­pisa ng proseso ng kaso ay dumadalo pa ang akusado sa korte subalit nang maglabas na ng warrant of arrest ay nagtago na si Cruz at hindi na rin nagpakita sa pinapasukang paaralan.

vuukle comment

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

CRUZ

DAGAT

EDUARDO CRUZ

HIPON ST.

JUDGE AMELIA TRIA-INFANTE

MANILA CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with