^

Metro

Tindahan ng mga pekeng gamot ni-raid

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinalakay ng  mga tauhan ng Manila Police District ang tatlong  tindahan at  bodega  ng mga pekeng slimming  pills at tea, gayundin ang mga food supplement for men sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila.

Unang sinalakay ng pulisya ang East West Chinese Drug store sa Sta. Cruz, Maynila na sinasabing bodega ng mga slimming tea at pills kasama na ang mga food supplement.

Maging ang Anson Drug store na kalapit lamang ng East West ay ni-raid ng mga operatiba ng pulisya.

Samantala, kinumpiska ang mga paninda sa Shun  Xin Drug store sa  F. Roman St. sa Binondo kung saan na nasamsam ang iba’t ibang uri ng tsaa na sina­sabing nakakapagpapayat.

Batay sa resultang gi­nawa ng Food and Drugs Administration, ang mga  na­kumpiskang pekeng  slimming pills, tea at mga food supplement na panglalaki ay nagtataglay ng amphetha­mine na nakakasira ng kidney­.

Ang pagsalakay ay ayon sa bisa ng search warrant na inisyu ng hukuman sa Manila, Makati at Quezon City.

BATAY

DRUGS ADMINISTRATION

EAST WEST

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

QUEZON CITY

ROMAN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with