Obrero utas sa boga
MANILA, Philippines - Hindi na natuloy ang pagpasok sa trabaho ng 34-anyos na construction worker nang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin, habang naglalakad palabas ng kanilang bahay, sa Port Area, Maynila, kamaÂkalawa.
Dead on the spot ang biktimang si James Bautista, residente ng no. 101 Block 8, Baseco Compound, Port Area.
Mabilis umanong tumaÂkas ang suspek na inilarawan na nasa edad na 35-40, may taas na 5’7 hanggang 5’8, nakasuot ng itim na t-shirt, at green na jacket.
Ayon sa live-in partner ng biktima na si Emily Tinebroso, dalawang linggo na umano niyang nakikita na nagpupunta sa kanilang bahay ang suspek.
Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, alas -6:00 ng umaga nitong Sabado nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.
Mismong ang biktima lang umano ang nakakakilala sa suspek dahil narinig pa ng live-in partner ng biktima na si Emily ang sinabi sa suspek na “Pare saka ka na lang bumalik, hindi kita mahaharap ngaÂyon dahil me pasok ako.â€
Kasunod nito ay putok ng baril kung saan nakitang duguan ang biktima.
Wala naman umano alam si Tinebroso kung ano ang pinag-uusapan ng biktima at suspek tuwing pumupunta ang huli sa bahay ng una.
Duda ang pulisya na may kaugnayan sa iligal na droga ang motibo ng pamamaslang.
- Latest