^

Metro

Ex-Bgy. Chairman todas sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang sumalakay ang mga upahang gunman­ na “riding-in-tandem” makaraang pagbabarilin at mapatay ang isang dating barangay chairman malapit sa kanyang bahay sa Malabon City, kahapon ng tanghali.

Hindi na umabot sa Pagamutan Lungsod ng Malabon ang biktimang si Jojo Cruz, 50, ng Valdez Street, Brgy. Catmon, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon Police, dakong alas-12:55 ng tanghali nang pumarada ang biktima sa Gov. Pascual Street, Brgy. Catmon, ng naturang lungsod, malapit sa kanyang bahay.  Dito sumulpot ang mga salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril ng malapitan ang biktima saka mabilis na tumakas lulan ng isang motorsiklo.

Ayon sa isang saksi, una na niyang nakita ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo na tila may ina­antay sa naturang lugar hanggang sa maganap ang krimen. Bigo naman ang saksi na makuha ang plaka ng motorsiklo.

Sinabi naman ng kapatid ng biktima na si Mario na pumalit bilang Chairman ng kanilang barangay, ilang buwan na ang nakalilipas nang unang barilin ang kanyang kapatid sa sikmura ngunit nakaligtas ito nang agad na maisugod sa pagamutan. 

Maaaring ang mga taong unang nagtangka sa buhay ng kanyang kapatid ang siya ring utak sa naganap na pamamaslang.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen upang mabatid ang tunay na motibo.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CATMON

JOJO CRUZ

MALABON CITY

MALABON POLICE

PAGAMUTAN LUNGSOD

PASCUAL STREET

VALDEZ STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with