2 patay,1 sugatan sa pamamaril ng parak
MANILA, Philippines - Dalawa katao ang naÂiulat na nasawi habang isa ang nasugatan matapos mamaril ang isang pulis na sakay ng taxi nang kuyugin ng may 10 katao na pawang kabataanÂ, nang mapagkamalang kaaway, sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Namatay habang ginaÂgamot sa Manila AdvenÂtist Medical Center (MAMC) ang mga biktimang sina Camille Ventura, 16, estudyante at Emerson Lopez, 20, na kapwa nagtamo ng bala sa kili-kili at tagiliran.
Kasalukuyan namang nilalapatan pa ng lunas sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang sugatang si Carl Michael Cueto, 18, dahil sa tinamong bala sa tagiliran,
Hawak na ng Manila Police District-Homicide Section ang suspek na si PO3 Ariel Yala, 32, nakatalaga sa Logistic Support Service ng National Capital Region Police habang isinasailalim din sa interogasyon ang mga kasamahan nitong sina Gene Hope Cainglet, 29, receptionist; Rey Chris Saavedra, 29; Jordan TuiloÂ, 33, messenger at Agnes Buenaflor,26.
Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Mabini at P. Ocampo Sts., Malate, Maynila.
Nasa sampu umano ang bilang ng grupo ng biktima na una nang nakipagrambulan sa Harbor Square sa malapit sa PhiÂlippine International Convention Center (PICC) at nang papauwi na ang grupo habang nakatayo sa isang gasoline station ay dumaan umano ang taxi na sinasakyan nina PO3 Yala at inakalang ang grupong nakaaway ang sakay kaya sapilitang binuksan at kinuyog ang mga sakay na huminto dahil naka-red ang traffic light.
Napilitan umanong paputukan ni PO3 Yala ang mga kumukuyog sa kanila at inutusan ang taxi driÂver na patakbuhin na ang taxi.
Subalit, nang sumapit na sa Edsa malapit sa LRT station, ay hinarang at inaresto ng Pasay Police ang grupong sakay ng taxi at itinurn-over sa MPD-station 9.
Sa pahayag naman ng taxi driver, ang grupo ni PO3 Yala ay isinakay niya sa tapat ng Cowboy Grills sa Malate, kaya posibleng napagkamalan nga ng grupo ng mga kabataan.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon para sa isasampang kaso laban sa pulis.
- Latest