Mayor Lani, mga residente ng Taguig nagpasalamat kay PNoy
MANILA, Philippines - Personal na nagpahatid ng kanyang pasasalamat si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Pangulong Noynoy Aquino matapos nitong ipatigil ang nakatakdang demolisyon bukas ng Philippine Army Task Group Bantay sa tirahan ng mga residente ng Katipunan Village, Sitio Masagana, Sitio Masigasig, Sitio Maliwanag at Sitio Matatag na sakop ng Libingan ng mga Bayani sa Western Bicutan Taguig City.
Ayon kay Cayetano, personal na pasasalamat ang ipinarating niya sa pangulo kasama ang pasasalamat ng nasa 2,000 pamilya na binubuo ng mga retirado at mga aktibong kawal ng sandaÂtahang lakas.
Noong Biyernes ng hapon ay pinadalhan ng liham ni Cayetano si Pangulong Aquino para iapela ang kalagayan ng mga residente at atasan ang Philippine Army Task Group Bantay na ihinto ang nakatakdang demolisyon. Pinadalhan din nito ng liham ang mga concerned national agency at ang mismong PATGB.
Sinabi ni Cayetano na makakaasa ang mga residente ng Katipunan Village, Sitio Masagana, Sitio Masigasig, Sitio Maliwanag at Sitio Matatag na patuloy na aayuda ang pamahalaang lungsod sa kanila para hanapan ng long-term solution ang problema.
“Salamat po Pangulong Noynoy. Makakatulog na kami ng mahimbing. Pero hindi po kami hihinto rito, amin pong ipagpapatuloy ang paghanap ng pangmatagalang resolusyon sa aming ipinaglalaban,†wika ni Medel Raquel, presidente ng concern Residence of Katipunan Village (COREKVILLE).
Una rito ay tinawag na iligal ni Cayetano at ng mga residente ang nakatakdang demolisyon ng Philippine Army Task Group Bantay dahil sa paglabag nito sa probisyon ng Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act (UDHA) at maÂging sa covenant ni PaÂngulong Aquino at DILG Secretary Mar Roxas sa Urban Poor Alliance (UP All).
Tahasang tinutulan ng alkalde at ng mga residente ang demolisyon dahil sa kawalan ng relokasyon; kawalan ng 30-araw na abiso sa kusang loob na pagbaklas at paglisan; kawalan ng tatlong beses na konsultasyon sa mga apektadong pamilya at ang hindi pagsasagawa ng pre-demolition conference.
- Latest