Patung-patong na kaso vs may-ari ng nasunog na bahay
MANILA, Philippines - Papanagutin din ng pamahalaang lokal ng Pasay ang Chinese national na may-ari ng bahay at bodega ng DVD matapos masawi ang walong emplayada nito dahil sa sunog sanhi ng kawalan ng ventilation at fire exit ng naturang establisimiyento.
Ayon sa Engineering Office ng Pasay City Hall Office, bukod sa pulisya ay magsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang naturang tanggapan dahil sa ilang paglabag sa safety measure ng may-aring si Juanito Go, 68 at inaalam pa ang pangalan ng kasosyo nito sa negosyo.
Hinihintay na lamang ng naturang tanggapan ang kumpletong report ng Pasay City Police at Pasay City Fire Department hinggil sa naganap na trahedya.
Nabatid, na si Go ay sinamÂpahan ng patong-patong na kaso ng Pasay City Police, tulad ng human trafficking dahil pawang mga menor de edad ang mga emplayada nito nang kanyang-recruit mula sa lalawigan ng Negros Occidental.
Bukod sa human trafficking, nahaharap din si Go sa kasong negligence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries, paglabag sa Pasay City Ordinance na nagsasagawa ng operasyon ng kanyang negosyo na walang kaukulang business at mayor’s permit.
Matatandaang noong Biyernes ng madaling araw, Mayo 30 ay nasunog ang may dalawang palapag na bahay at bodega ng DVD ni Go sa Samonte St., Bgy. 47, Pasay City na ikinamatay ng walong empleyada nito matapos ma-trap at ma-suffocate sa sunog.
- Latest