Vhong binato ng sunglass sa QC Hall of Justice
MANILA, Philippines - Nagmistulang circus ang QC ProÂsecutor’s Office makaraang batuhin ng sunglass at takip ng bote ng rape victim ang actor na si Vhong Navarro bago pa magsumite ng mga kaukulang papales kahapon.
Si Navarro ay nagtungo kahapon sa QC Prosecutor’s Office kasama ng kanyang mga bodyguards para magsumite ng rejoinder na may kinalaman sa kanyang ikatlong rape case.
Makaraan ang batuhan, dumaÂting din ang lola ni Deniece Cornejo na si Florenciana Cornejo kung saan nagsisigaw kasama ang iba pa laban sa actor.
Sinabi ni Roxanne Cabanero sa media na nagtungo siya sa korte para harapin si Navarro at suportahan ang iba pang biktima umano ng actor ng rape. Hindi naman pinansin ni Navarro ang mga pambabato at paninigaw sa kanya kung saan tumuloy lamang ito sa ikaapat na palapag ng QC Hall of Justice na kinaroroonan ng ProÂsecutor’s Office.
Samantala, isa namang nagngaÂngalang Nonong Co na sinasabing consultant sa QC Prosecutor’s Office at tiyuhin ni Cornejo ay nagpasaring sa isa sa mga abogado ni Navarro nang sitahin siya kung bakit may dalang placard si Co na may nakasulat na “Justice for the rape victims. Jail the serial rapist.’’
Binigyang diin naman ni Co na karapatan niya ang kanyang ginagawa.
Tikom naman ang bibig ni Navarro nang tanungin ng media hinggil sa nilalaman ng kanyang isinumiteng rejoinder sa korte.
Dahil sa naisumiteng rejoinder, ang reklamong ikatlong rape laban kay Navarro ay submitted na for resolution kay Assistant City Prosecutor Nilda Ordono para magdetermina kung ang nasabing reklamo ay dapat maiakyat sa korte.
- Latest