^

Metro

2 tulak-droga utas sa barilan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang dalawang drug pusher makaraang makipagbarilan sa mga opera­tiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Commonwealth, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, kinilala lamang ang dalawa sa mga alyas Macmac na tadtad ng tattoo na Sputnik Gang at alyas Boy Muslim na may katamtaman ang pangangatawan, at nakasuot ng pulang t-shirt at puting short pants.

Sa inisyal na ulat ni Hernandez, naganap ang insidente sa kahabaan ng Katuparan Street habang isinasagawa ang buy-bust operation ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District at District Anti-Illegal Drugs.

Nagpanggap na poseur-buyer ang isa sa operatiba ng DAID na bibili ng 50 gramo ng shabu sa mga suspek­ sa halagang P.1 milyon­.

Subalit isa sa da­lawa ang namukhaang operatiba ang nagpanggap na poseur-buyer habang nagpapalitan ng items kaya sumiklab ang gulo hanggang sa maganap ang shootout.

Narekober ang cal. .45 pistol, cal .38 revolver gayundin ang 50 gramo na shabu at motorsiklo na sina­sabing sinikwat ng dalawa.

AYON

BARANGAY COMMONWEALTH

BOY MUSLIM

HERNANDEZ

JOGENE HERNANDEZ

KATUPARAN STREET

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SPUTNIK GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with