Pintor inutas ng kabaro
MANILA, Philippines - Napatay ang 39-anyos na pintor matapos saksakin ng kanyang kabarong pintor sa itinatayong condominium sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Renato “Nato†Lomagdong, binata ng Brgy. Payapa, Lemery, Batangas.
Sa ulat ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubreng patay ang biktima dakong alas-5:40 ng umaga sa ikaapat na palapag ng condominium sa Ma. Cristina St. sa nasabing lugar.
Nabatid na nakipag-inuÂman ang biktima sa mga consÂtruction worker na sina alyas William at Jerry LoÂveno kung saan inabot na ng madaling-araw.
Naunang matulog si Noveno habang si William at ang biktima ay magkasama pa sa silid na pinipinturahan. Ayon sa ilang kasamahan ng biktima, may narinig silang ungol bandang alas-12 ng madaling-araw na hindi naman pinagtuunan ng pansin. Nang maÂgising si Loveno ng madaling-araw ay napuna niya na may tama ng saksak at duguan ang biktima na nakadapa habang si William ay hindi matagpuan.
Batay sa footage ng closed circuit television camera ng barangay, pasado alas-12 ng madaling-araw nang nakitang lumabas ng ginagawang gusali si William kung saan nagÂlalakad at may pinapagpag sa kanyang katawan.
Pagsapit sa kanto ay naÂmataang ipinahid ang mga kamay ni William sa pader na nakasuot ng maong pants at t-shirt na puti.
- Latest