Negosyanteng diabetic nagbaril
MANILA, Philippines - Tinapos na ng isang 66-anyos na negosyante ang kanyang paghihirap sa sakit na diabetes nang magbaril ito sa sarili sa kanilang master’s bedroom sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Rodolfo Dulay, ng Unit 203 Anson Bldg., #2808 Rizal Ave., Sta. Cruz, Manila.
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, alas-6 ng gabi nang madatnan ng misis na si Yorina, 52, ang kanyang mister na nakadapa sa kanilang kama at duguan ang ulo habang ang isang .9 mm na pistola ay nasa tabi nito.
Umuwi umano ang misis mula sa kanilang negosÂyong canteen sa Binondo at hindi inakalang madaÂratnang patay na ang mister sa kanilang silid.
Nabatid na may apat na taon nang may sakit na diabetes ang biktima at posibleng nahihirapan na ito dahil sa madalas na pagsasailalim sa dialysis, na posibleng dahilan upang wakasan ang sariling buhayÂ.
Dinala ang bangkay sa St. Harold Funeral para sa awtopsiya.
- Latest