Lolo na-heat stroke sa NAIA
MANILA, Philippines - Isang lolo ang nawalan ng malay matapos itong bumagsak sa sahig at mabagok ang ulo dahil umano sa tindi ng naramdamang init sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 (dating old domestic airport), kahapon ng umaga.
Ang pasaherao ay nakilaÂlang si Samson Alcantara, 79, na umano’y biglang kinapos ng hininga habang nakapila sa check-in counater ng Zest Air patungong Malaysia.
Sinasabi sa ulat, gatas lamang ang ininom ni Alcantara ng umalis sa kanilang tahanan patungong airport dakong alas-Â4 ng madaling araw.
Si Alcantara ay mabilis na itinakbo sa San Juan de Dios Hospital para malapatan ng kaukulang lunas kaya hindi na ito nakaalis ng bansa.
Umani ng reklamo mula sa mga pasahero ang Terminal 4 dahil sa umano’y tindi ng init dahil under renovation ang lugar. Tulad ng NAIA 4 ay ganito rin umano ang nararanasang init sa NAIA 1, 2 at 3.
Kamakailan lang ay isang bata rin ang itinakbo sa medical clinic ng paliparan dahil nahirapan huminga dahil pa rin sa sobrang init dito.
- Latest