^

Metro

3 kalaboso sa pagtatapon ng dumi sa kanal

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagtatapon ng dumi ng tao sa kanal na nagdulot ng perwisyo sa mga residente sa Barangay Libis, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Solomon Sevilla ng Quezon City Police Station 8, kinilala ang mga suspek na sina Ro­gelio Collantes, 49; Jose Flordaliza, 36; at si Edgardo Flordaliza, 44, mga kawani ng Madamex Pluming Services at pawang nakatira sa Tandang Sora.

Ayon sa opisyal ng Barangay Libis na si Geng Roca, matagal na nilang mi­na­manmanan ang trak ng mga suspek makaraang ma­karanas ng pagkahilo at pa­nanakit ng tiyan dulot ng nalanghap na mabahong amoy sa estero sanhi ng itinapong dumi ng tao simula noong May 13 hanggang 14.

Sinasabing sa kanal ng Barangay Saint Ignacius iti­napon ang dumi ng tao kung saan dumaloy sa Barangay Libis kaya isinagawa ang operasyon kung saan namataan naman ng mga nakaposteng barangay tanod sa Barangay Saint Ignacius ang truck ng mga suspek at muling nagtapon ng dumi ng tao.

Dito na nagkahabulan hanggang sa nakorner ang mga suspek pagsapit sa panulukan ng Boni Serrano saka dinala sa himpilan ng pulisya.

 

 

 

BARANGAY LIBIS

BARANGAY SAINT IGNACIUS

BONI SERRANO

EDGARDO FLORDALIZA

GENG ROCA

JOSE FLORDALIZA

MADAMEX PLUMING SERVICES

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with