Isa pang suspek sa Vhong case, kinilala
MANILA, Philippines - Ipinag-utos na si Justice Sec. De Lima sa state prosecutor’s panel at kay Prosecutor GeÂneral Claro Arellano na amyemdahan ang naÂunang impormasyon na tumutukoy sa tunay na pagkakakilanlan ng isa pang suspek sa Vhong case.
Si Edgardo Sampana na isa sa mga akusado na tinaguriang John Doe na may hawak na duct tape sa loob ng elevator kasama nina Simeon “Zimmer†Raz at Bernice Lee ang hindi naisama sa listahan ng mga akusado sa pambubugbog sa actor/TV host na si Vhong Navarro.
Ang pagkakakilanlan ng suspek ay nakalap ng kolumnista ng PSN/PM na si Tony Calvento sa isang impormante matapos makipagkita ang representanteng si Manuel “Jojo†Tan na sinasabing malapit na kaibigan ng isa sa mga akusadong si Jed Fernandez.
Pakay ni Tan na kaÂÂusapin si Calvento kaÂugnay sa pagsuko ni Fernandez para maÂging state witness sa naÂsabing kaso pero habang nakikipag-usap kay Tan ay tumawag ang isang impormante kaugnay sa tunay na pagkakakilanlan ng John Doe.
Gayon pa man, pinaÂunlakan ng impormante na makipagkita kay Calvento para ibigay ang katauhan ni Sampana kung saan nagbigay pa ito ng scanned photo at karagÂdagang impormasyon.
“Walang hiniling na anumang gantimpala ang impormante sa akin at may isang kahilingan lamang, ‘Hulihin at ilagay sa loob ng kulungan ang taong ito dahil siya’y mapanganib,†pahayag ni Calvento
“Ipinakita ko naman ang litrato kay Navarro at positibo nitong kinilala si Sampana na siyang naglagay ng duct tape sa kanyang pulso at mga kamay nung gaÂbing ‘yun,†dagdag pa ni Calvento
Pinakuha na ni Justice Sec. De Lima ang kopya ng CCTV footage ng pulong ng grupo sa isa sa hotel sa Makati City at nasa pag-iingat na ngaÂyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
- Latest