^

Metro

Tsinoy tiklo sa P50-M shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang 31-anyos na Tsinoy matapos arestuhin ng mga ope­ratiba ng pulis-Maynila kaugnay sa P50-mil­yong halaga ng shabu sa inilatag na drug bust operation kamakalawa ng gabi sa bahagi ng T. M. Kalaw Street sa Ermita, Maynila.

Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Villamor Tuliao ang suspek na si Wilson Salazar Sia, alyas “Wilson Rellesiva Sia” ng #75 P. Burgos Street, Tacloban City, at may address ding Poblacion District 4, Julita,  Leyte.

Samantala, naka­takas naman ang  pa­ngu­nahing target na si Zong “Sonny Long” Long na may nakabim­bing warrant of arrest­ mula sa Parañaque City Regional Trial Court Branch 259 kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 kung saan walang kaukulang piyansa­.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga ta­uhan ng pulisya kaugnay sa modus operandi ng mga suspek kaya inilatag ang checkpoint sa nasabing lugar.

Sa pangunguna ni P/ Chief Inspector Dondon  Austria kasama din ang grupo ng District Special Operations Unit ay namataan ang kulay gray na kotseng Hyundai Accent (FIF-236) kaya hinarang.

Sinita ang nagmamanehong si Sia kung saan pinabuksan ang bintana ng kotse at namataan ang nasa­bing bag na naglalaman ng limang kilong shabu na may street value na P50 milyon.

Nabatid na pakay ng pulisya ang Chinese drug trafficker na si Long na pinaniniwalaang nakatunog na may bumubuntot sa kanila kaya  mabilis na bumaba ng sasakyan bago pa masakote ang kasama nitong si Sia.

vuukle comment

BURGOS STREET

CHIEF INSPECTOR DONDON

CITY REGIONAL TRIAL COURT

DISTRICT SPECIAL OPERATIONS UNIT

HYUNDAI ACCENT

KALAW STREET

MAYNILA

NABATID

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with