^

Metro

Ex-pulis nangholdap ng Kano

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalulutang na ni Manila Police District Di­rector P/Chief Supt. Rolando Asuncion ang dating pulis na suspek sa panghoholdap sa isang Kano matapos na kilalanin sa photo gallery ng PNP.

Ayon kay Asuncion, dapat na umanong sagutin ni Ex-PO1 Reggie Dominguez ang reklamo sa kanya ng biktimang si Adam Miler, 54.  

Si Dominguez ay isa sa dalawang suspek na sinasabing nangholdap kay Miler noong linggo.

Batay sa report ni P/Chief Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD General Assign­ment Section, dalawang  suspek  ang inire­reklamo ni Miler na sumita at nangholdap sa kanya.

Nagpanggap na mga pulis sa pamamagitan ng pagsusuot ng PNP Blue Patrol t-shirt habang sakay ng Goldish Brown SUV na walang plaka sa harap ng VAREB Mansion  sa #1679 A. Mabini St., kanto ng General  Malvar St., Malate, Manila.

Naglalakad si Miler sa nasabing lugar sa Malate nang sitahin ng dalawang suspek kung saan hinanapan ng pasaporte at habang iniinspeksyon ang backpack ng dayuhan ay kinuha ang US$ 4,000 cash ng biktima.

Sinabi naman ni Riparip na marami na umanong warrant of arrest si Dominguez na kasalukuyang pinaghahanap na ng mga awtoridad.

vuukle comment

ADAM MILER

ARSENIO RIPARIP

BLUE PATROL

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

GENERAL ASSIGN

GOLDISH BROWN

MABINI ST.

MALVAR ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with