^

Metro

7-anyos anak ginilitan ng ama

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 7-anyos na anak makaraang gilitan at pagsasaksakin ng kanyang ama sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Sta. Lucia, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Bandang alas-3 ng madaling-araw nang matagpuang nakasubsob sa kama ang duguang katawan ni Angel Mark Cathlene Manliclic habang nasakote naman ang suspek na si Mark Alvin Manliclic, 31.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rhic Pittong, bago maganap ang krimen, kinompronta ng suspek ang kanyang misis na nagtatrabaho sa Canada matapos itong mag-overseas call.

Pinauuwi umano ng suspek ang asawa na tatlong buwan pa lamang sa Canada kung saan tumanggi naman ang babae na umuwi.

Nagbanta ang suspek na papatayin ang kanilang anak kapag hindi umuwi ang kanyang misis.

Gayon pa man, tinuluyan ng suspek na patayin ang kanyang anak habang natutulog kung saan brutal na ginilitan saka pinagsasaksak.

Nabatid na kinunan pa ng video footage ang ginawang pagpatay ng suspek sa kanyang anak saka ini-upload sa social network site na Facebook.

Bukod sa facebook, ipinakita rin ng suspek ang video footage sa isa pang social network site na skype.

Nadiskubre ang krimen makaraang ipaalam ng suspek sa isa sa kanyang kaanak na humingi naman ng tulong sa pulisya.

Pinaniniwalaang lango sa ipinagbabawal na droga ang suspek nang isagawa nito ang krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

ANGEL MARK CATHLENE MANLICLIC

BANDANG

BARANGAY STA

BUKOD

FACEBOOK

KANYANG

MARK ALVIN MANLICLIC

QUEZON CITY

RHIC PITTONG

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with