Pulis nanakal, nanutok ng kagawad
MANILA, Philippines - Dumulog sa General Assignment Section ng Manila Police District ang isang barangay kagawad para pormal na ireklamo ang isang pulis na nanakal, nanutok at nagpaputok ng baril sa ere sa Tondo, Maynila noong Martes ng gabi.
Assault, grave threat, alarm scandal at indiscriminate firing ang inihaing reklamo ng biktimang si Ray Padasas Belarmino, 41, kagawad sa Brgy. 43, Zone 3, residente ng no. 1254 San Miguel St., MorioÂnes, Tondo laban sa suspek na si PO2 Emmanuel Danao, nakatalaga sa MPD Station at dalawa pang hindi nakilalang pulis na kasama nito.
Naganap umano ang insidente noong nakaÂlipas na Mayo 13, alas-6:20 ng gabi sa panulukan ng San Miguel at Salvacion sts., Tondo.
Anang kagawad, sinamahan niya ang kaniyang pinsan na si Charlie sa nasabing lugar at maya-maya ay dumaÂting umano si PO2 Danao, kasama ang 2 pang pulis at pinagmumura umano ang kaniyang pinsan kaya gumitna siya.
Nagalit umano si Danao sa pakikialam niya at binunot umano ang baril at sinakal siya sabay sabi ng “Walang kaga-kagawad sa akin†na nasundan pa ng pagpapaputok sa ere bago itinutok sa kaniya.
Dahil sa umalingawÂngaw na putok ay nagÂlabasan ang mga residente at nang dumami ang nag-uusyoso ay saka lamang siya binitawan ni Danao at sumakay ng motorsiklo at 2 pang kasamang pulis.
Pinulot ng biktima ang basyo sa ipinutok ni Danao na ginamit naman kahapon na ebidensiya sa isinampang reklamo.
- Latest