Kawatan dedo sa bugbog
MANILA, Philippines - Patay ang isang kawatan nang pagtulungan itong gulpihin ng walong hindi pa nakikilalang suspek makaraang maaktuhan ang una na ninanakawang isang panabong na manok kahapon ng madaling-araw sa loob ng isang sementeryo sa Pasay City.
Habang sinusulat ang balitang ito, inaalam pa ng Pasay City Police ang pagkakakilanlan sa nasawi natinatayang nasa 45 hanggang 50-anyos, 5’2’’ hanggang 5’4’’ ang taas, payat ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot na kulay asul na t-shirt at pantalong maong.
Sa report na natanggap ni Senior Superintendent Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police, alas-4:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng Sarhento Mariano Cemetery na matatagpuan sa Zone 16, Brgy. 148 ng naturang siyudad, kung saan pinaghahataw ito sa ulo.
Ayon sa saksing si Richard Enriques, 24, binata, caretaker ng naturang sementeryo, bago ang insidente, alas-3:00 ng madaling araw nakita ang biktima na may dalang panabong na manok at walong kalalakihan naman ang sumisigaw ng “magnaÂnakaw-magnanakaw†hanggang sa hinabol at pinagtulungan itong gulpihin. Nang humandusay ang biktima ay nagsitakas na ang mga gumulpi rito.
- Latest