Seaman hinostage ang sarili
MANILA, Philippines - Isang seaman ang inaresto ng mga awtoridad makaraang i-hostage nito ang kanyang sarili gamit ang patalim habang pinapasuko dahil sa reklamong pananakit sa kanyang asawa sa lungsod Quezon, kahapon.
Si Ariel Tolones, 41, ay dinala sa tanggapan ng pulisya matapos ang halos 10 minutong negosasyon habang hawak ang patalim na itinutok sa kanyang dibdib, ayon sa staff ng barangay Batasan hills.
Ayon kay Dorin del Pilar ng nasabing barangay, nangyari ang insidente, sa pagitan ng alas- 6 hanggang alas- 7 ng umaga sa bahay nito na matatagpuan sa Sinagtala St., ng nasabing barangay.
Bago ito, alas-5 ng umaga nang magpunta ang umano’y lasing na suspek sa bahay ng asawang si Gresilda Tolones, 44, teacher, at kinompronta hinggil sa umano’y educational plan ng kanilang tatlong anak.
Napag-alaman ng barangay na ang suspek ay bihira nang dumalaw sa kanilang bahay dahil nakatuloy na ito sa probinsya, bunga ng madalas nilang pag-aaway.
Pero nang magpunta umano kahapon ang suspek sa bahay ng asawa ay lasing ito kung kaya ang komprontasyon ay nauwi sa pagtatalo at sakitan. Sinasabing nakaiwas lamang sa pananakit ng suspek ang misis nang makatalon mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay paibaba sa bubungan ng kanilang kapitbahay, at dumiretso sa barangay para magreklamo.
Naiwan naman ni Gresilda ang kanilang tatlong anak sa bahay. Agad namang rumesÂponde ang mga opisyales ng barangay kasama ang tropa ng QCPD station 6 sa panguÂnguna ni Supt. Eleazar Matta, at pinuntahan ang suspek para imbitahan sa barangay.
Pero habang kinakausap ni Matta ang suspek ay nakaÂlabas naman ang mga bata, kung saan nang malaman nito na wala na ang mga anak ay saka kumuha ng patalim at hinostage ang sarili.
Dito na isinagawa ang negosasyon at binigyan ni Matta ng 20 minuto ang suspek para kusang sumuko, na agad namang tumugon ang huli at sumama sa otoridad.
Sabi ni Del Pilar, sa preÂsinto ay nagka-usap umano ang suspek at kanyang asawa kung saan binigyan ng temporary protection order base sa kautusan na hindi na maaring makalapit ang una sa huli, sa halip ay magbibigay ito ng sustento sa kanyang pamilya.
Pinag-aaralan naman ng PS6 kung sasampahan ng kaso ang naturang suspek.
- Latest