^

Metro

Onsehan sa droga, lalaki tinodas

Doris Franche with Julia Rae Romualdo, trainee - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inutas sa loob ng minamanehong sasakyan ang isang 34-anyos na lalaki matapos na barilin  ng malapitan sa  ulo ng hindi pa nakikilalang suspect, kamakalawa ng gabi sa Palanca St., Quiapo,  Maynila.

Dalawang tama sa  ulo  ang ikinamatay ni  Laurente  Tolosa, 34 at residente ng   Maningning St., Sikatuna Village, Quezon City habang nagsasagawa naman ng follow-up ang mga awto­ridad upang makilala ang  sinasabing  gunman.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng MPD-Homicide Section, alas-8:45 ng gabi nang  maganap ang insidente sa  loob mismo ng isang  Ford Explorer ( XPL-800) na  nakaparada sa may Quezon  Blvd.-Palanca St.

Ayon  kay  Capt. Steve Casimiro, posibleng  may kinalaman sa droga ang pamamaslang  dahil ang  biktima ay  nakatakda sanang ipasok kahapon sa rehabilitation center   dahil sa pagi­ging addict. Sinabi pa ni Casimiro na hindi pag-aari ng  biktima ang   Ford Explorer,  dahil ayon sa magulang nito, isang Toyota Corolla ang gamit nito  kung kaya’t nagtataka sila kung bakit nakasakay  sa nasabing pick -up ang  biktima.

Nawawala rin ang Toyota Corolla ng biktima habang  binebiripika ng  mga awtoridad kung  sino ang nagmamay-ari ng  nasabing Ford Explorer. Malaki umano ang posibilidad na plinano  na ang pagpatay dahil katabi nito ang  gunman na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon naman kay Capt. Alden Panganiban, hepe ng Barbosa na nakakasakop sa lugar, makikipag-ugnayan sila sa mga business establishment at maging sa barangay para sa CCTV upang  malaman kung  narecord nito ang  pangyayari na maaaring makapagturo sa salarin.

Susuriin din ng  pulisya kung  sino ang huling katransaksiyon ng  biktima sa kanyang cellphone bago  mangyari ang insidente.

ALDEN PANGANIBAN

AYON

CAPT

FORD EXPLORER

HOMICIDE SECTION

MANINGNING ST.

PALANCA ST.

TOYOTA COROLLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with