Agawan sa mikropono: 2 kritikal
MANILA, Philippines - Kritikal ang dalawang lalaki nang pagsaÂsaksakin ng isang grupo rin ng kalalakihan matapos na mag-agawan sa pagkanta sa loob ng isang bar, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Kapwa isinugod sa Jose Reyes MeÂmorial Medical Center sina Franklin Celso, 20, factory worker at Filamer Ralar II, kapwa ng Karisma Village, Brgy. Panghulo ng naÂturang lungsod.
Naaresto naman agad ng mga wtoridad ang dalawa sa mga suspek na sina Wilmer Padilla, 25; at Alvin Rempis, 18, kapwa ng E. Martin st., Brgy. Santulan, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, nag-iinuman ang mga biktima at suspek sa loob ng isang videoke bar sa may Tatawid St. sa naturang lungsod alas-11 ng gabi at nang tumugtog ang request song na “Pusong Batoâ€, nag-agawan na sa mikropono ang dalawang grupo na pareho palang nagreserba ng kanta sa videoke machine.
Dito sumiklab ang mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawang grupo na pawang mga lasing na. Armado pala ng patalim ang mga suspek at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang mga biktima.
Tiyempo namang agad na nakaresponde ang mga barangay tanod sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek habang papatakas ang mga ito.
- Latest