^

Metro

6-anyos sinaksak ng banana cue stick ng kalaro, dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 6-anyos na batang babae makaraang ma­saksak ng banana cue stick ng kalaro nitong 7-anyos na batang lalaki kahapon sa lungsod Quezon.

Ang batang lalaki na iti­nago sa pangalang Boy ay nasa pangangalaga ngayon ng Quezon City Police District’s Women and Children’s Protection desk matapos na ang biktima ay masawi sa insidente.

Ang dalawa ay magkapitbahay sa Villareal Street sa Barangay Gulod, Novaliches, ayon kay PO2 Alvin Quisum­bing, may-hawak ng kaso.

Ayon sa pulisya si Boy ay shock pa rin sa pangyayari, at nakayapos sa kanyang nanay habang umiiyak. Hindi pa malinaw kung alam na ni Boy na ang kanyang kalaro ay patay na.

Si Boy ay Grade 1 student habang ang batang babae ay nasa kinder pa lamang.

Nangyari ang insidente ga­nap na alas-8:30 ng umaga sa harap ng bahay ng biktima, kung saan naglalaro ang mga bata.

Ayon kay Quisumbing, nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawang paslit sa gitna ng kanilang paglalaro. Sa pagtatalo ay  kinurot ng biktima si Boy na noon ay nakadapa na sa semento.

Nagawa umanong maka­kuha ng banana cue stick si Boy sa kanyang kaliwang kamay.

Hanggang sa walang lingon-lingon, sinaksak ng batang lalaki ang biktima na nasa kanyang likod. 

Dagdag ni Quisumbing, ang babae ay tinamaan sa ibabang bahagi ng kaliwang sikmura, tumagos sa kanyang pantog.

Agad namang isinugod ng kanyang nanay ang biktima sa Novaliches General Hospital, kung saan nasawi ito 15 minuto ang nakakalipas.

Samantala, pinuntahan ng awto­ridad sa Novaliches police station­ si Boy at saka itinurn-over sa women and children’s protection desk.

vuukle comment

ALVIN QUISUM

AYON

BARANGAY GULOD

BOY

NOVALICHES

NOVALICHES GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

QUISUMBING

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with