^

Metro

DOC 24/7 inilunsad ng Taguig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilunsad  sa pangunguna ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang Doctor On call (DOC) na handang tumugon sa anumang medical emergency 24/7.

Ang DOC ay panibagong hakbang tungo sa mas maayos at mas magandang serbisyo at benepisyong medikal na maibi­bigay sa mga residente ng  Taguig.            

Aniya, mayroon 24/7 Super Health Centers, libreng bakuna at gamot bukod pa sa ibang mga serbisyong pangkalusu­gan.

Layunin ng DOC project na rumesponde sa loob ng 10 hanggang 15 minuto  sa tawag o text na humihingi ng tulong-medikal at makapag­bigay ng agarang tulong sa mga residenteng nangangailangan.

Ang DOC ay binubuo ng mga duktor, mga rehistradong nars, at ambulansyang may sapat na kagamitan upang tumugon sa mga kasong medikal.

Maaaring tumawag sa mga numerong ibinigay ng city health office, sakaling may emergency: (02) 225-1833 and 09178210896.

 

ANIYA

DOCTOR ON

INILUNSAD

LAYUNIN

MAAARING

SUPER HEALTH CENTERS

TAGUIG MAYOR LANI CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with