6 buwang sanggol, ina nabawi sa KFR group
MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 6-buwang sanggol at ina nito matapos dukutin ng mga armadong kalalakihan at dalawang babae, sa Quiapo, Maynila kamakalawa sa Quiapo, Maynila.
Iniharap sa media nina MPD Director C/Supt. Rolando Asuncion at MPD-General Assignment Section chief, C/ Insp. Dennis Wagas ang nairescue na sina Karima Sarip, 32 at 6-na buwang sanggol kasama ang asawang si Kadafi Sarip, 40.
Patuloy naman ang pagtugis sa mga suspek nakilala lamang sa mga pangalang Omar Buali, Faridah Buali, isang alyas “PangaÂlianâ€, isang alyas “Rex†at isang alyas “Aizaâ€.
Alas 7 ng gabi nitong Huwebes nang makatanggap ng impormasyon si Wagas hinggil sa pagpapalaya umano sa mag-inang biktima kasunod ng negosasyon. Agad na nagtungo sa Quiapo ang mga pulis kung saan matagumpay na nabawi ang mag-ina, bagamat walang suspek na inabutan.
Sinabi ni Wagas na Mayo 4,(Linggo) nang magpa-blotter sa Bgy. 383, Zone 39 si Kadafi, matapos tutukan ng mga baril at bitbitin ng mga armadong lalaki ang kanyang mag-ina mula sa inuupahang kuwarto sa no. 913 Arlegui st., sa Quiapo. Isinakay umano sa kulay pula na Revo ng tatlong lalaki habang ang back-up na itim na Montero naman ay may sakay na anim pang katao.
Kinabukasan ay nagpasaklolo na sa tanggapan ni Wagas si Kadafi at nitong Mayo 8, nang magsagawa ng follow-up operation sa Cavite subalit negatibo ang operasyon.
Sa pahayag naman ng biktimang si Karima, target umano ng mga suspek na kunin ang kaniyang asawa dahil sa sumbong na nakikialam ang kanyang asawa sa away babae.
- Latest