^

Metro

Kelot itinumba, dahil sa droga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Droga  ang isa sa mga motibong sinisiyasat ngayon ng pulisya matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang lalaki ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek na pinaniniwalaang miyembro ng isang drug syndicate, kama­kalawa sa Malabon City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng  bala ng baril sa katawan  ang biktima na nakilalang si Benjamin Ignacio, 53,  ng Asero St., Brgy.  Tugatog ng naturang lungsod.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Malabon City Police, naganap ang insidente alas-2:15 ng hapon sa Oro St., Brgy. Tugatog  habang ang biktima ay naglalakad  sa naturang lugar  nang biglang sumulpot ang tatlong suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek  na hinihinalang miyembro ang mga ito ng isang drug syndicate.

Narekober ng mga pulis sa kaliwang kamay ng biktima ang isang sachet ng shabu at inamin ng isa sa mga kapatid nito na  sangkot sa droga si Benjamin. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

ASERO ST.

BENJAMIN IGNACIO

BRGY

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

ORO ST.

TUGATOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with