^

Metro

Libreng sakay sa mga magulang na mamimili sa Divisoria, sinimulan na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsimula na kahapon ang pagbibigay  ng libreng sakay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang binuksang Pasig River Ferry System sa mga mananakay na magulang partikular ang mga nanay na mamimili ng gamit sa eskuwela  sa Divisoria sa magkakasunod na tatlong Sabado.

Ito ay pakunsuwelo ng MMDA sa mga mananakay na magulang na mamimili sa Divisoria para sa gamit ng kanilang mga anak sa darating na pagbubukas ng eskwela.

Ayon sa MMDA, ito ay nagsimula kahapon (Mayo 10)  hanggang sa susunod na dalawang Sabado (Mayo 17 at 24) mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Ang regular na operasyon ng Ferry System simula nang ito’y buksan ay mula Lunes  at Biyernes lamang, alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 4:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

 Sa ngayon ay tuluy- tuloy na ang operasyon ng Ferry System at nananatili pa ring itong libre hanggang sa Mayo 15 at nagbibigay rin ito ng libreng kape at pandesal.

Nabatid  na binuhay ng MMDA ang Ferry System project sa layuning mabigyan ng alternatibong uri ng transportasyon ang publiko bunga na rin ng inaasahang pagsikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila sa sandaling magsabay sabay na ang implementasyon ng mga infrastructure project ng pamahalaan sa Kalakhang Maynila.

 

AYON

BIYERNES

DIVISORIA

FERRY SYSTEM

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASIG RIVER FERRY SYSTEM

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with