^

Metro

Bonus ng MMDA employees, aprubado na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang pagpapalabas ng halagang mahigit sa P34 million para sa magiging bonuses ng may 3,000 kawani ng ahensiya.

Nabatid na ang 3,000 kawani ng MMDA, permanent o kaswal man ay makakatanggap ng kanilang inaasam-asam na mid-year bonus.

Nakapaloob ang kanilang mga bonuses base sa kanilang basic pay at kasama dito ang P5,000 na tinatanggap ng mga kawani ng gobyerno kada taon na nagmumula sa katusan ng Malacanang.

 Nabatid na posibleng ngayong buwan ay matatanggap na ng MMDA employees ang kanilang mid-year bonus at ang kalahati naman ay matatanggap nila sa Nobyembre 15 ng taong kasalukuyan.

Ito ay makakatulong ng malaki sa mga empleyado sa pagpapa-enrol sa kanilang mga anak sa nalalapit na pasukan.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

INAPRUBAHAN

KANILANG

MALACANANG

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

NAKAPALOOB

NOBYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with