Sundalo sa sunog sa Army HQ pumanaw na
MANILA, Philippines – Namatay na ngayong Biyernes ang isa sa mga sundalong nasugatan sa pagsabog ng armory ng Armed Forces of the Philippines sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Binawian ng buhay ang 30-anyos na si Cpl. Bernabe Mota habang nagpapagaling sa Armed Forces of the Philippines Medical Center (AFPMC) bandang alas-10 ng umaga.
Nakatakda sanang ilipat ng East Ave. Medical Center (EAMC) si Mota ngayong araw matapos magtamo ng mga sunog sa iba't ibang bahagi ng katawan nang masunog ang Explosive Ordnance Battalion headquarters.
Kaugnay na balita: 24 sugatan sa sunog sa Army HQ
Samantala, limang sundalo pa ang nagpapagaling sa AFPMC, at ang dalawa ay inilipat na sa EAMC, habang ang apat ay nasa Army General Hospital.
Sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Noel Detoyato na 22 sa 31 survivors ang nakalabas na ng ospital.
Dagdag niya na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog na kalaunan ay pagsabog ng mga nakaimbak na pampasabog.
- Latest