20 Pinay, 2 Chinese nasagip sa prostitution den
MANILA, Philippines - Dalawampung Pinay at dalawang Chinese na pawang biktima ng human trafficking ang nasagip sa isinagawang operation ng pinagsanib na pwersa ng Pasay City Police at National Bureau of Investigation sa naturang lungsod kahapon ng madaling-araw.
Base sa isinumiteng report kay Senior Supt. FlorenÂcio Ortilla, hepe ng Pasay City Police alas-12:00 ng madaling-araw nang salakayin nila ang Water Cube KTV na mataÂtagpuan sa Macapagal Boulevard nang naÂsabing lungsod.
Halos isang buwang minanmanan ng mga tauhan ng Interpol Division ng NBI at Intelligence Unit ng Pasay City Police ang nasabing bar matapos makatanggap ng impormasyon na ginagawa umanong “prostitution den†ang naturang KTV bar.
Ayon kay Atty. Wilma Delgado, Investigation Agent ng Interpol Division na puwedeng i-table ang mga babae sa isang VIP room at kapag nagkasundo sa presyo ay maaari ring iuwi ang mga ito ng kanilang magiging kostumer.
Ang kadalasan aniyang nagiging biktima ng mga kostumer ay ang mga babaeng Chinese.
Nabatid pa na nasa P15,000 hanggang P25,000 ang bayad sa mga babaeng Chinese kapag ito ay i-table o ilalabas mula sa bar.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act ang manager at may-ari ng naturang bar.
Matatandaan, na noong Abril 23 ng taong kasalukuyan nang salakayin ng mga awtoridad ang Starwood VIP Lounge sa Gil Puyat nang nasabing lungsod na kung saan 13 Pinay, tatlong Russian at tatlong Ukranian ang nasagip na umano’y nagbebenta ng mga panandaliang aliw.
- Latest