Brgy. kagawad patay sa ambush ng tandem
MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga naka-motorsiklong saÂlarin, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa Tala General Hospital ang biktimang nakilalang si Garry Moralla, 26, kagawad ng Brgy. 181 sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan habang sugatan naman sa tama ng bala sa kamay ang misis nitong si Jonalyn.
Sa ulat ng Caloocan Police, galing sa barangay hall matapos na mag-duty si Moralla at naglalakad na sa may Gemini St. pauwi sa bahay kasama ang misis dakong alas-10 ng gabi nang harangin ng dalawang salarin na magkaÂangkas sa isang motorsiklo.
Agad na pinaulanan ng bala ng mga suspect si Moralla saka mabilis na tumakas tungo sa hindi mabatid na direksyon.
Blangko naman ang mga awtoridad sa pagkaÂkakilanlan sa mga salarin at sa motibo sa krimen.
Matatandaan na nitong nakaraang Lunes ay pinagbabaril din ang hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management Unit-North sa gilid ng kanyang bahay habang ilang barangay chairman at kagawad na rin ang napapaslang sa lungsod.
- Latest