Cornejo, Lee humirit ng 'not guilty'
MANILA, Philippines – Binasahan ng sakdal ngayong Huwebes ng umaga ang modelong si Deniece Cornejo at kapatid ng negosyanteng si Cedric Lee na si Bernice para sa kasong grave coercion na isinampa ng TV host na si Vhong Navarro sa Taguig Metropolitan Trial Court Branch 74.
Tulad ng inaasahang, not guilty ang sagot nina Cornejo at Lee sa pambubugbog kay Navarro na nasa loob din ng korte dahil na rin sa kautusan ng hukom.
Sinabi ng abogado ni Navarro na si Alma Mallonga na itutuloy nila ang kaso laban kina Lee at Cornejo.
Kaugnay na balita: Deniece Cornejo sumuko!
Hindi nagbigay ng pahayag sa mga mamamahayag ang mga dalawang babaeng suspek.
Bukod sa dalawa nahaharap din sa kaparehong kaso ang iba panilang kasamahan na sina, Cedric Lee, Zimmer Raz, Jose Paulo “JP†Gregorio Calma, Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima ay nakalabas na ng bansa si Calma noong Abril 10.
Nag-ugat ang kaso sa insidenteng naganap noong Enero 22 sa loob ng Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Kasalukuyang nakapiit ngayon si Cornejo sa Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame matapos sumuko kay PNP chief Alan Purisima nitong Lunes.
Malaya si Bernice Lee sa ngayon matapos makapagpiyansa ng P12,000.
Bukod sa grave coercion ay nahaharap din sina Cedric Lee, Cornejo, Raz, Guerrero at Fernandez sa kasong serious illegal detention na walang piyansa.
- Latest