^

Metro

Articulated bus ng LTFRB umarangkada

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa siksikan tuwing rush hour sa Metro Railway Transit 3 (MRT) ay iba't ibang paraan na ang ginagawa ng gobyerno upang masolusyunan ito.

Isa sa mga ito ang Articulated Bus  ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na sinubukan ngayong Miyerkules na tumakbo mula SM North EDSA hanggang Taft station ng MRT.

Malaki ang naturang bus kumpara sa mga normal na pampasaherong bus dahil kaya nitong magsakay ng 150 katao.

Mayroon ding closed-circuit television cameras ang articulated bus upang matiyak ang seguridad ng mga pasahero.

“Sa pakikipagtulungan sa ibang public at private organizations, nais po naming mabigyan ng kalutasan ang inconvenience na nararanasan ng ating mga mananakay habang bumabiyahe patungo sa kanilang mga pinapasukan araw-araw,” pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez.

“Sa pamamagitan ng articulated bus ay mabibigyan natin ng pansamantalang solusyon ang pagsisiksikan sa MRT stations habang hinihintay natin ang pagdating ng mga bagong tren.”

Inaasahang darating sa unang bahagi ng 2015 ang mga panibagong tren ng MRT, ayon sa Department of Transportation and Communications.

ARTICULATED BUS

BUS

CHAIRMAN ATTY

DAHIL

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO RAILWAY TRANSIT

WINSTON GINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with