^

Metro

Driver todas sa tandem

Ricky T. Tulipat with Vanessa May Linsangan at Ella Mae Nuyles-trainee - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver makaraang pagbabarilin ng   riding in tandem habang ang una ay nasa kanyang sasakyan sa isang lugar sa lungsod Quezon.

Si Ramil Adena, 29, binata ay nagawa pang maitakbo ng kanyang kaanak sa ospital subalit hindi na rin ito umabot pa ng buhay,  ayon kay PO3 Erick Isidro, may-hawak ng kaso.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng San Mateo Road, corner Presidential St., Brgy. Batasan, ganap na alas- 4:15 ng madaling araw.

Base sa pahayag ng testigong si Jhun Reley, nakaupo umano ang biktima sa kanyang sasakyan Isuzu ELF (XLR-366) habang nakaparada sa lugar nang isa sa mga suspek ang sumulpot at pinagbabaril ito.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang suspek at sumakay sa isang kasamahang nasa motorsiklo at sumibat papalayo sa lugar.

Agad namang sinaklolohan ng kanyang kaanak ang biktima at isinugod ito sa East Avenue Medical Center, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Sa pagsisiyasat ng aworidad, narekober sa lugar ang tatlong basyo at isang tingga ng kalibre 45 baril na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

BATASAN

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERICK ISIDRO

ISUZU

JHUN RELEY

MATAPOS

PRESIDENTIAL ST.

SAN MATEO ROAD

SI RAMIL ADENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with